Hihingi po sana kami ng advice or tulong sa mga members dito. Nawawala po kasi brother ko mula 26 August 2013. Marami na po kami naghahanap sa kanya pati sa mga authorities. Nagtry po kami magmessage sa kanya sa whatapps at facebook niya, napansin namin na nababasa mga message namin pero walang nagrereply. Di namain alam if brother ko nagoonline sa FB niya or ibang tao. Usually mga midnight a madaling araw po nakaonline FB on mobile niya sa iphone. Bago po ang account niya at hindi kami naadd as friends. Meron po ba na paaran para malaman man lang ang location niya or makuha location lalo na pag nagoonline siya na hindi malalaman ng nagbubukas ng Fb niya? kung meron man pong puwede tumulong sa amin malaking utang na loob po namin na tatanwin iyon. Nasa singapore po ako kaya di ako makauwi kasi kelangan ng pera sa paghahanap. parents, kapatid, kaibigan at mga pulis po ang naghahanap pero wala po kami idea or clue man lang kung nasaan na siya or anu nangyari sa kanya.